Showing posts with label rants. Show all posts
Showing posts with label rants. Show all posts

Wednesday, May 5, 2010

Welcome entry

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan itong ginagawa ko. Nakakapanibago. Para ngang sabi ni Mariano, Nilamon na siya ng Tumblr, ako naman, NILAMON AKO NG TRABAHO AT FACEBOOK. Tama nga sila, nakakasira ng pagkakaibigan ang trabaho.

Masyado kong inubos ang oras at panahon ko sa trabaho. Nawalan na tuloy ako ng oras sa mga kaibigan ko sa BLOGOSPERYO. Oo eto na naman ako sa linya ko na, Namimiss ko na kayo. Pero sorry lang. Wala ako time para makipagbonding sainyo. Sorry na talaga. Pero pa humingi ng isang chance? (haha)

Pero eto na ako muling nagbabalik. Paano ba naman tambay na ulit ako. Oo, tama ang narinig nyo. Tambay na ulit ako. Syempre kelangan ko bigyan ng panahon ang mga naulila kong mga kaibigan (peace) haha.

Nakakapanibago talaga. Hindi na talaga ako sanay magsulat ulit , pero sasanayin ko na ulit ang sarili ko para naman mabalik na ang dating dakilangtambay :) I super miss this!

IWELCOME NYO NAMAN AKO, pwersahan ito.


Monday, October 19, 2009

Sino ang Buntis??


Sino ang buntis? Yan ang tsismis sa hospital ngayon. Bali-balita daw ay merong nurse na nanghingi ng pregnancy test sa laboratory at nagpapelvic ultrasound daw at BOOM jontis daw ang nurse na yun. Eh ang TANONG "sino ang nurse na iyon?"

Bali-balita ay sa EMERGENCY ROOM lang daw nagduduty ang nurse na iyon. e susmaryosep, dalawa lang kaya kami na may jowa dun, yung isa may asawa so okay lang na mabuntis un. at malamang lamang hindi yung iba kong kasama dahil wala naman silang jowa or baka meron din pala?? Malay natin. Anyways, e kumusta ka naman? ako buntis? Wala pa sa pangarap ko yun. Di ko maimagine ang sarili ko na JONTIS.

E bakit naman kasi ang tsismis kay daling kumalat. Kakaasar talaga. Kesyo magagandang balita ang maririnig mo, ayun puro buntis isyu at mga iba pa ang maririnig mo.

Ay basta ako, hindi ako yon. Kasi kung ako yun, AAMIN naman ako. Eh kaso hindi nga ako yun e. Kakukulit nyo. tsk tsk.