Monday, October 19, 2009

Sino ang Buntis??


Sino ang buntis? Yan ang tsismis sa hospital ngayon. Bali-balita daw ay merong nurse na nanghingi ng pregnancy test sa laboratory at nagpapelvic ultrasound daw at BOOM jontis daw ang nurse na yun. Eh ang TANONG "sino ang nurse na iyon?"

Bali-balita ay sa EMERGENCY ROOM lang daw nagduduty ang nurse na iyon. e susmaryosep, dalawa lang kaya kami na may jowa dun, yung isa may asawa so okay lang na mabuntis un. at malamang lamang hindi yung iba kong kasama dahil wala naman silang jowa or baka meron din pala?? Malay natin. Anyways, e kumusta ka naman? ako buntis? Wala pa sa pangarap ko yun. Di ko maimagine ang sarili ko na JONTIS.

E bakit naman kasi ang tsismis kay daling kumalat. Kakaasar talaga. Kesyo magagandang balita ang maririnig mo, ayun puro buntis isyu at mga iba pa ang maririnig mo.

Ay basta ako, hindi ako yon. Kasi kung ako yun, AAMIN naman ako. Eh kaso hindi nga ako yun e. Kakukulit nyo. tsk tsk.


2 comments:

  1. Haha! Nako, nako, chismis nga naman! Iba talaga ang sikat, pinag uusapan. ;)) HI MIA! So glad you're back and blogging again!

    ReplyDelete
  2. tsismis! basta alam mong hindi ikaw un. =) hehehe.

    ReplyDelete