Wednesday, November 11, 2009

Chubby

Nakakastress. Alam mo kung bakit? Dahil ang chubby ko naman. Sabagay lagi naman ako chubby pero mas disaster ngayon e, kulang na lang hindi na kumasya sakin ang puti kong uniform na pangduty. Hindi to maaari, ayoko tumaba kasi una, mahirap gumalaw. Pangalawa, hinihingal ako. Pangatlo, mabigat (alam mo na yun). Pang-apat, sumasakit ang likod ko at ang varicose ko sumasakit. Pang-lima, mahirap bumili ng damit na gusto ko. At ang huli, hindi na ako nagiging flexible. Ayun na nga, desperado na ako. Pagnakakakita ako ng pagkain, bonggang bongga talaga, hindi ko mapigilan kumain. Hay help me. Gusto ko mag-exercise, pero gusto ko yoga kaso wala dito kasi sa Cavite. hay buloks.

No comments:

Post a Comment