Friday, May 14, 2010

Alaala

Gustong gusto kitang tanungin kung bakit mo ako iniwasan nung sinabi ko na gusto kita dati. Ang hirap hirap kasi, ang tagal tagal ko na itong dinadala, gusto ko na makalimutan ka at makamove on para sa sarili ko, para maging masaya na ulit ako. Alam mo, gustong gusto kitang yakapin, gustong gusto ko sabihin na mahal na mahal kita pero hindi ko yun magawa, umiwas ka, pilit mo kinalimutan ang pinagsamahan natin, pilit mo binura sa mga alaala mo ang maganda nating pinagsamahan. Iniwan mo ako mag-isa, iniwan mo akong gulong gulo. Ang hirap mag-isa.

Ang gusto ko lang naman ay maging malinaw na sakin ang lahat para pag nagmahal ako mabibigay ko ng buong buo ang pagmamahal ko sa kanya na walang pag-aalinlangan.

No comments:

Post a Comment