Monday, May 10, 2010

Halalan 2010

Nakaboto na ako at isipin nyo naman, ilang oras din ako pumila sa precint room number ko. Namawis na ang dapat mamawis sa akin, natunay na lahat ng taba ko at ang masama di pa ako kumakain simula kagabi dahil tumba agad ako sa kama kasi napagod ako sa duty kahapon at masama talaga ang pakiramdam ko.

Anyways, balik tayo sa botohan. Nakakairita ang mga tao. Mga walang disiplina talaga. Sabi nang pumila lng maayos. Ayun sige tamang upo at sumisingit pa sa pila. Sino ang hindi maiirita dun diba. Itong gutom ako e, gusto nyo ba ng away o gulo. Nakakatuwa ang pcos machine, excited na kabado ako habang pinapasok ko ung papel sa machine, buti na lang successful kasi kakahiya pag hindi. Ahahaha :)

Ayun sana lang maging successful, maayos at malinis ang botohan ngayon at sana manalo ang karapat dapat ina mamumuno sa ating bayan :)

1 comment:

  1. sana simpal yung mga hindi pumila ng maayos. kase pag sinampal ka rin sigurado akong walang mararamdaman dahil sa pisnge mo. joke lang mia. halabyu

    ReplyDelete